Lunes, Oktubre 26, 2015

Strangers



We started out as strangers, became friends and ended up as strangers again. Yan ang masasabi ko sa naging friendship natin. It’s a crazy weird thing dahil sa lahat ng mga naging kaibigan ko, yung sa’yo ang kakaiba dahil parehas tayong nag-iiwasan, strange right? (pagkatapos nito, muling magpapatuloy ang takbo ng buhay :))

Strangers. Isa ka sa mga maiingay nung Job offer, isa naman ako sa mga tahimik, kahit nung nasa training, we’re not that close, nagkakasama lang tayo kasi yung isa sa mga nakilala ko eh naging kaibigan din yung kaibigan mo (you know who are these persons are kaya ikaw na bahalang magconnect-connect.)




Friends. Nang tumagal, because we have the same circle of friends, naging magkaibigan din tayo. Challenging ang friendship ko with you because what I said earlier, tayo yung magkaibigang nag-iiwasan. Siguro, isa sa mga naging dahilan nun eh nung nalaman ng sambayanang Crabs na hinahangaan kita (yun daw ang depinisyon ng salitang crush kaya yun ang gagamitin ko...petiks, haiskul the peg) nakakaloka di ba? Wala na rin kasi akong ibang maisip na sagot noon, honestly, kaya pasensya na...Pero thankful ako na kahit nag-iiwasan tayo at di masyadong nagkakausap, ikaw yung isa sa mga nagdala ng positibong pananaw sa akin sa oras na nagnenegative ang disposition ko. Pag alam mong nagkakahirapan na, or should I say nagkakandalunod-lunod na ang sitwastyon, tap tap shoulder na lang na “Okay lang yan.” Naalala ko pa nga nung time na sinabi kong wala na akong makakapitan (me pagkatsismoso ka rin kasi eh no?), you told me na wag kong isipin na ganun kasi may makakapitan pa ako, and you told me to just be myself.


Strangers. This past few days naging mas challenging ang naging friendship natin due to certain circumstances, aminado ako, sumama talaga loob ko sa’yo. Ikaw din naman kasi eh, pasaway ka rin minsan, isang buong linggo yun, until this week came, nakakalungkot na di man lang ako nakalaban dahil sa sore eyes ko (pag tinamaan ka nga naman ng pagsubok oh...) Isa ka sa mga pinalad, isa naman ako sa mga kailangang lumaban for survival (wow! jungle effect ng decision time...hahaha!!!) It takes a while before I realize na magkaiba na ang kapaligirang ginagalawan natin ngayon, nakakalungkot na part para sa akin, Pero Lumpia Party naman para sa’yo...congrats!!! (uy, sincere yan ha, alam ko naman kasi yung efforts mo eh..) di man inaasahan ang mga pangyayari, kailangang magpatuloy ang pakikipaglaban at pakikipagpalitan ng mukha sa magulong mundo. Tuloy ang awit ng buhay, may di man tayo pagkakaintindihan at kahit sinasabi na nila na “hayaan mo na siya, isipin mo na lang yung negative side niya” aminado ako, minsan naiisip ko yun, pero mas lamang ang positive side eh, me sa ewan ko... alam kong maaayos din yon sa tamang panahon, kung pahihintulutan ng pagkakataon at ni G. Thank you for shedding some light, so bright that in some time, it blinded me, but still, Thank You.

P.S: Ikaw nga pala ang isa sa mga tumupad ng isa sa mga wish ko, pero patuloy ko pa ring i-wi-wish yun hanggang sa dumating ang tamang panahon. :)


 #sulatingdipormalangpeg 

#lastnato

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento