Huwebes, Disyembre 10, 2015

M.O.V.E.O.N

Waah!!! December na pala...i'ts been few weeks na pala since my last post, naging busy kasi masyado sa trabaho, anyways, I do also have my struggles for the past month, nakakaloka, buti nakaya ko pa? hahaha! Anyways, for the videos that I will posting today, idaan sa masayang paraan ang pagmomove-on, nakakaumay din kasi kung sobrang drama di ba? ano ito, dramarama sa hapon??? hahaha!!!


First Vid: Move On by Spongecola: medyo nagulat ako nung mapanood ko yung video, nakakatuwa si Jeron dito pramis! hahaha!!! pero I like the way the song was interpreted, nakakapositive vibes lang...



Gusto na Kita by 6cyclemind: Don't get me wrong...this song? di ito pag-amin na may gusto ka sa isang tao...Gusto na Kitang...makalimutan kamo! madalas kasi pag di pa tayo makamove-on, naapektuhan pati performance natin, whether sa school man yan o sa work...ang unfair naman nun no, ikaw isip ka ng isip sa kanya pero siya ni wala ka man lang sa radar niya? kaya move on move on din uy! 

cto: Youtube.com

Lunes, Nobyembre 9, 2015

Dear ____,




Heylo Sago!!! Kamusta ka na? Tagal ko nang walang balita sa'yo eh! We're both near yet so far ang drama nating dalawa...Ang labo natin parehas right? Kung tatanungin mo ako kung kamusta ako? Well, hanggang ngayon confused pa rin ako kung babae ba talaga hinahanap ko o yung mga guys na katulad mo...JOKE!!! I'm trying to do well, I'm trying to be okay and fine, kahit na madalas eh nararamdaman ko na nahihirapan na ako...na gusto ko nang sumuko, na gusto ko nang bumigay. Ikaw, nahihirapan ka na rin ba sa mga kumplikadong pangyayari sa paligid natin? Naisip mo na ba na sumuko? Naisip mo na ba na bumigay? Kungsabagay, sa tatlong buwan na nakilala kita, di ko pa nakikita sa itsura mo yun, ikaw pa nga yung "sunshine in the pouring rain eh." Di ka nawawalan ng positivity sa katawan mo. Naalala ko pa nga yung time na sinabi mo na may ability ka to remove the negativity from a person, honestly, medyo natawa ako dun, posible ba yun??? paano??? magagawa ko ba yun sa sarili ko??? ang dami kong tanong no??? Anyways, sa tingin ko naman, kaya mo...unless kung nagpopoker face ka lang...di ko alam.

Walang halong echos o biro, pero namiss ko yung magkasama tayo sa every "The Feast Session" whether sa Aliw theater man yan o sa SMX. (langya, miss agad? eh dalawang beses pa lang naman tayo nagkakasama...hoksvjhlkasjgal;kdsjga'lksdgjasghq!!!) wala lang, ikaw kasi yung nag-invite sa isa sa mga dati ko nang planong gawin dati pa, tapos di pa kita nakakasama...hahaha!!! Pero di bale, nasasanay na rin naman ako mag-isa...tinuturuan mo akong maging independent eh...in fairness, umeepektib naman ang proyekto (and take note, nadagdagan ka ng downline...networking lang ang peg...hahahaha!!!) nagfield trip na nga ako eh, from Sync session to 10:45 session to 1:00 pm session...see? nag-iimprove...masaya to...hahahahahaha!!! alam ko rin naman na pumupunta ka eh...solo flight kasi trip mo eh...me sa...ewan ko...hahaha!!! (baka skateboards ginagamit mo papunta at pabalik kaya di ka nagsasama...hahaha!!!) Kungsabagay, mas okay na rin siguro yun, kesa naman magkasama nga tayo, di naman tayo madalas mag-usap...useless??? pwede sa part mo...pero sa part ko...Surreal yun pare...SURREAL!!! (ayos din mga trip ko no? pero babala, wag kang overconfident...di lang dahil sa'yo yun...meron pang iba...pero akin na lang yun.)

Alam mo, may sasabihin pa sana ako, eto siguro yung factor kung bakit currently me gap tayong dalawa...(ang galing ko mag-assume no? ayan tayo eh!) bukod kasi sa nalaman mo na crush kita (sorry, naipit ako sa sitwasyon that time, hangga't maari, ayaw ko talagang ilantad ang bagay na yun...jqwf[owkfro[kwf[pwqf[pqew...sadya yan. wag kang mag-alala dude, naka move on na ako sa bagay na yan, subukan mo akong tanungin in the future nang tungkol sa bagay na yan at tatawanan ko na lang yan.) isa itong bagay na ito sa mga tingin kong rason kung bakit...pero siguro, itatago ko na lang muna sa sarili ko ang bagay na yun, sa tingin ko kasi, mukhang irrelevant naman din kasi...pero nagulat talaga ako nang malaman ko yun, at kung tatanungin mo ang reaksiyon ko, well, eh kung yun talaga, wala na tayong magagawa dun, kung sa akin nangyari yun, sampal sa mukha yun...well, buti na lang I've learned my lesson...and I've learned it the Hard way my friend.

Wag kang mag-alala, naniniwala pa rin ako sa Tamang Panahon, In God's perfect timing...di ba nga sabi ko sa'yo, i've learned my lessons the hard way...tsaka alam mo naman yung naging kwento ko nung 21 ako...(at nagulat talaga ako sa sarili ko paanong o kung ano ang nakain ko bakit ko na share yun.) Tsaka isinuko ko na ang bagay ng Tamang Panahon kay Papa God, alam ko namang pati rin ikaw eh...hahaha! Naisip ko lang, paano kaya kung mutual talaga yung nararamdaman natin sa isa't-isa no? Takot lang tayo sa rejection kaya di natin maamin? (assumera ko talaga no? ASA NAMAN ako sa part na yun...baka nga ako lang ang may feelings at ikaw wala...hahahahahahahaha!!! anyways, pagdamutan mo na, libre lang naman ang mangarap...mangarap daw o! hahaha!!!) Siguro, magiging malaking riot yun kung saka-sakali...(tandaan: kung saka-sakali lang naman...wag ka ring assuming...hahaha!!!) Anyways, basta bahala na si Papa God dun...hehe

Sa ngayon, magpatuloy muna tayo sa pakikipagsapalaran at pakikipagpalitan ng mukha sa mundong ginagalawan natin, kung saan man mapunta o anuman ang maging resulta ng mga pinagagagawa natin, sigurado naman akong makakapag-iwan sa atin yun ng lessons in life...ganun talaga eh! Alagaan mo sarili mo, (and alam kong ginagawa mo naman yun) Always pray (sigurado naman akong ginagawa mo yun) and Always Smile (alam ko rin na nagagawa mo yun). See you around!!! XOXO :)

Martes, Nobyembre 3, 2015

Unsure Possibilities


Monday: 

Masyado yata akong naging overthinker to the point na lahat ng tickets ko for this day eh sablay. Thinking about unsure possibilities though, dumating na naman ako sa point na napanghinaan ako ng loob, good thing Achie Rose was there to uplift ang nanghihina kong loob. She told me about her goals ngayong nasa Back of House team na siya over a bowl of seafood noodles at a Thai restaurant named "Soi" at MOA. Her reasons are acceptable and valid though, naiinggit nga ako because ang lakas ng fighting spirit niya...wish that I have that same kind of fighting spirit...and because of that, mas lalo lumakas ang pundasyon ng pangarap kong mag masteral next year, kasabay ng pagtatangkang suuingin ang mundo ng akademiya, probably next year too. I have the chance also na makadalaw uli sa Quiapo church, masasabi kong isa siya sa mga naging sandigan ko during this though and challenging times that I had, and like a little kid, umiyak na naman ako...kasabay ng paghingi ng guidance to help me in this unsure journey na tinatahak ko.

Oh, and One last thing (see, nahawa na ako sa one more or one last thing ni  M.C) Iyakin talaga akong bata...hahahaha!!!

Tuesday:

Let's do the UP Ikot. nilibot ng new team ang buong prod area. di ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis ako o sisigaw ako na "Tama na yan! Tigilan na natin ang mga kalokohan na ito." nag calls ang buong sambayanan na nagsagawa ng UP ikot drama, ayun! lagapak! di malaman kung saan pupunta...di alam kung sino ang dapat na pagtanungan...spell bad day! anyways, kailangan eh, sinuong mo ang kalakarang ito, kailangan mong maging matapang at maging makapal ang mukha...(oh! and magmukhang me alam pala kahit honestly...WALA!!!!)

Wednesday:

Honestly...Di na ako natutuwa. Kanino ba ako dapat mag-open up? pinipilit ko namang maging positive at maging determinado, pero wala eh, plakdado pa rin...I'm still having the goals that I want to achieve, at di magbabago yun...however, mukhang kailangan ko nang maghanap ng ibang ways on how to achieve it, sa totoo lang kasi, kumplikado na ang mga ganap eh...ang hirap...pero kinakaya....ah basta, I think I need to find other ways...BDO lang ang peg???

Thursday: 

Wag mo akong pakitaan ng Yabang mo attitude. I need a resolution...Hindi yabang! Ako, magalang akong makipag-usap sa tao..hangga't maari, maayos ang pakikitungo ko sa kanila, naniniwala kasi ako na kung ano ang ugaling ipinakita mo sa iba, ay siya ring ugaling ibabalik sa'yo. Kung mabait at maayos ang pakikitungo mo, yun rin ang babalik sa'yo...kung balasubas ka kung makitungo sa iba, mag expect ka na yun rin ang ibabalik sa'yo. Sa lahat ng bagay, kailangan lagi kang humble. yun kasi ang importante. PINAKAIMPORTANTENG ugali na meron ang isang tao. Magaling ka nga, marami ka ngang alam, pero kung ang ugali mo ang problema...then I think you need to do a reflection dude...baka kasi nakakasakit ka na ng iba, di mo pa nalalaman...kung natamaan ka...Sorry...just having a realtalk here...

Friday:

Last day ng first week ng grupong tatawagin kong UP ikot...kung bakit, akin na lang yun...hahaha! Nawala daw ang profile ko sa Siebel...kaya ang ending...hindi nakapag-ticket si ateng the whole day...ayos! at dahil walang ATO dahil di puwede, ayun, stay ako sa floor...well, naging busy naman ako sa paglilinis ng mailbox ko, tiningan ng pagkailang ulit ang Gem para sa NPS...naging Malasakit Katrabaho Foundation para sa iilang katrabaho na nangangailangan ng tulong...at...at...at..nagpakain ng fish food sa ostrich! (JOKE!!!) 

This week has been a challenging week, at alam ko na mararanasan ko ang ganitong mga challenges sa mga susunod na araw...kung saan man ako dadalhin ng bagong karanasan na ito, I know na gagabayan ako ng God doon...I know na di naman niya ako pababayaan...Aja fight na lang! Nandyan ka na eh, try to do your best na lang lagi... (kahit minsan me mga epal talaga sa paligid...well...that's part of life...ciao!!!

Last note: Birthday pala ng kapatid ko this November 6...Happy Birthday Bunso!!! XD




Sabado, Oktubre 31, 2015

Hiling



Disclaimer: Just wanna share this poem mula sa isa kong friend on Facebook na ginawa ng isa din niyang friend. Ito ay nagawa after ko i-post ang tula kong Patawad. 

Sa iyong mga ngiti,
Pagod ay napapawi,
At sa iyong mga titig,
Lalo ako umiibig.
Pusong nasugatan,
Iyo sanang malunasan,
At mga luha ng nakaraan,
Sana iyong punasan.
Hanggang kaibigan,
Yun sa atin namamagitan,
Ako ay may kahilingan,
Sana iyong pagbigyan.
Itong aking mundo,
Na minsan ay gumuho,
Pwede bang ikaw at ako,
Ang muling bubuo?

Patawad



Patawad kung nagulo ang nananahimik mong mundo,
Patawad kung nadagdagan ang mga bagay na kailangan mong isipin,
Patawad, Patawad, Patawad.

Patawad kung di ako makalapit,
Patawad kung akoý lumalayo,
Patawad kung di ko masabi ang mga bagay na nasa aking isipan at gustong sabihin,
Patawad kung ito ang naging desisyon ko.

Patawad kung ikaw ay di ko makibo,
Patawad kung sadyang may mga bagay na mas importante na kailangang iuna sa kasalukuyan,
Patawad kung ako man ay naging makasarili sa ngayon,
Patawad kung ikaw ang nagtulak sa aking maging ganito.

Patawad kung di man tayo magkausap,
Patawad kung di man tayo magkakibuan,
Patawad kung sumablay man ang naging pagkakaibigan,
Pero lagi mong tandaan, nandito lang ako,
Nagmamasid, Nakasubaybay,
Handang makinig kung kaila
ngan mong isatinig ang iyong mga naiisip sa magulong daigdig.

Patawad kung may mga bagay na sadyang di puwede sa kasalukuyan,
Patawad kung pareho tayong naging biktima ng mapagbirong tadhana,
Patawad kung parehas nating hihintayin ang tamang panahon para sa lahat,
Patawad, Patawad, Patawad, PATAWAD.

LSS


Okay...so this past few days, Etong dalawang Mc Do commercials na ito ng AlDub ang LSS sa utak ko...nakakapagpadala kasi ng positive vibes eh and nakakapagpangiti sa akin... :)




Ikaw lang ang aking mahal: AlDub 1st Mc Donalds TVC



Paniwalaan mo: AlDub 2nd Mc Donalds TVC

Huwebes, Oktubre 29, 2015

Sabi niya...Suko na siya.


"Merong parte ng buhay mo na nagbibigay ng dahilan upang ikaw ay patuloy na lumaban, subalit meron ding parte ng buhay mo na nagbibigay ng rason upang ikaw ay tuluyan nang sumuko at bumigay. Gagawin mo ito di dahil sa mahina ka o di mo na kaya ang mga hamong haharapin sa hinaharap, kundi dahil mas makakabuti ito para sa'yo."



Sabi niya, sumuko na siya sa isang parteng yun ng buhay niya, na ginawa niya yon kasi naisip niya, paano naman siya? kung nararamdaman niyang nababalewala lang naman siya, paano naman ang sarili niya? ayaw man niyang sabihin, pero mas magmumukha raw siyang kawawa kung di niya gagawin ito di ba? (at alam niyang aagree ka sa sinasabi niya.)


Sabi niya, susuko siya dahil gusto niya, parehas ninyong makita ang mga sarili ninyo. Madalas niya noong sinasabi na gusto niyang maghanap ng kapayapaan...it seems like a joke or expression to her madalas, pero she mean it. Gusto niyang mas matuklasan ninyong parehas kung ano pa ang mga kaya ninyong gawin, mga bagay na masasabi ninyong "Ay, kaya ko pala...Ay! magagawa ko pala 'to."




Sabi niya, susuko siya dahil gusto niyang magkaroon kayo ng mas lalo pang pagmamahal at dignidad sa mga sarili ninyo (di ibig sabihin nun eh parehas kayong walang dignity sa sarili ninyo, kungbaga ang punto niya, mas pag-ibayuhin pa yung part na yun). Mabigyan ng mas marami pang pagkakataon na makita at maramdaman ang kagandahan ng buhay sa kabila ng mga di kagandahang pangyayari sa paligid. To cut it short, susuko siya para sa kabutihan ninyong dalawa.


Sabi niya, isusuko ka na niya sa maykapal. Hindi niya alam kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap, pero kung sakaling dumating man ang araw na ibalik ka raw ng diyos sa kanya at puwede pa, pangako niya, di ka na niya pakakawalan. Pangako niya, sisiguraduhin niyang magiging parte ka ng mundo niya. Pangako niya na di na siya mag-aalangan. Pangako niya, mamahalin ka niya ng tapat. Pangako niya, IPAGLALABAN KA NIYA. 




Sabi niya, susuko siya dahil sa magandang kinabukasan na naghihintay sa inyong dalawa. Ayaw niyang magpaalam sa'yo, bagkus pinapasabi niyang...hanggang sa muli ninyong pagkikita.




Lunes, Oktubre 26, 2015

Sa Tamang Panahon

"Sa Tamang Panahon ay magkikita rin tayo, sa tamang panahon maging ikaw at ako, Aldub you forever, hope we'll be together, Maalden din kita, wag ka sanang magsasawa, Ako'y maghihintay sa'yo, Pinky promise yun sa takdang panahon."



Di talaga ako fan ng mga loveteams, siguro kung meron man, yung kina Angelu at Bobby lang, and that was when I was 6 years old then, di ko maimagine na magiging fan ako ng tambalang ito, bukod sa pagiging fan ko ng basketball.


Nung una kong pagkakita kay Yaya, naiinis ako sa itsura niya, ang suplada niya kasi, pero nang lumaon, dahil na rin sa napapanood ko ang tuwing sabado na episode ng kalyeserye (kasi may pasok po ako ng weekdays kaya every saturday lang ako nakakapanood), nagsimula na rin akong maging fan ng tambalan nila ni Papa Alden...di nga lang masyado.



Nagsimula lang ang pagiging masyadong fan ko nang dahil sa Plywood...Oo, yang plywood na yan! Nainis ako nung di sila nagkita nun, pero aminado rin ako na may punto rin naman si Lola Nidora bakit niya ginawa yun, ang kabataan kasi ngayon, masyado nang nagmamadali, lahat minamadali, isang text lang, nagkakilala lang sa facebook, sila na agad...mukhang tama nga yung mantra na kapag mabilis mong nakukuha, mabilis ring nawawala sa'yo.



Isa pa sa mga nagustuhan ko, genuine ang pagkaka-acting nila sa mga parts nila, alam kong may script pa rin sila na sinusunod pero lamang ang geniunenity, dun sa mga part na ngiting pang-trese anyos si Alden kapag nakikita si Yaya, yung mga unexpected na kilig ni Yaya, sama mo pa ang mga pakulo ng tatlong lola, mapasayaw (hanep talaga yung lantik ng pagsayaw ni Jose), pagkanta (courtesy of Lola Tidora) at mga aral sa buhay at pagsayaw ng Dessert ni Lola Nidora. Di na ako magtataka kung bakit trending at record breaking ang mga hashtag sa Twitter. Dramaserye sa kalye, comedy show, kiligserye at kung anu-ano pa rolled into one.



Masasabi kong malaki ang naitulong nila sa pagmomove-on ko ngayon, sila ang nagturo sa akin na lahat ng bagay, pinaghihirapan at pinagsusumikapan, na lahat ng bagay, nagaganap sa takdang panahon, di mo man alam kung kailan yang tamang panahon na yan, pero sigurado ako, dadating yun. It's all worth it in the end kasi hinintay mo.




Strangers



We started out as strangers, became friends and ended up as strangers again. Yan ang masasabi ko sa naging friendship natin. It’s a crazy weird thing dahil sa lahat ng mga naging kaibigan ko, yung sa’yo ang kakaiba dahil parehas tayong nag-iiwasan, strange right? (pagkatapos nito, muling magpapatuloy ang takbo ng buhay :))

Strangers. Isa ka sa mga maiingay nung Job offer, isa naman ako sa mga tahimik, kahit nung nasa training, we’re not that close, nagkakasama lang tayo kasi yung isa sa mga nakilala ko eh naging kaibigan din yung kaibigan mo (you know who are these persons are kaya ikaw na bahalang magconnect-connect.)




Friends. Nang tumagal, because we have the same circle of friends, naging magkaibigan din tayo. Challenging ang friendship ko with you because what I said earlier, tayo yung magkaibigang nag-iiwasan. Siguro, isa sa mga naging dahilan nun eh nung nalaman ng sambayanang Crabs na hinahangaan kita (yun daw ang depinisyon ng salitang crush kaya yun ang gagamitin ko...petiks, haiskul the peg) nakakaloka di ba? Wala na rin kasi akong ibang maisip na sagot noon, honestly, kaya pasensya na...Pero thankful ako na kahit nag-iiwasan tayo at di masyadong nagkakausap, ikaw yung isa sa mga nagdala ng positibong pananaw sa akin sa oras na nagnenegative ang disposition ko. Pag alam mong nagkakahirapan na, or should I say nagkakandalunod-lunod na ang sitwastyon, tap tap shoulder na lang na “Okay lang yan.” Naalala ko pa nga nung time na sinabi kong wala na akong makakapitan (me pagkatsismoso ka rin kasi eh no?), you told me na wag kong isipin na ganun kasi may makakapitan pa ako, and you told me to just be myself.


Strangers. This past few days naging mas challenging ang naging friendship natin due to certain circumstances, aminado ako, sumama talaga loob ko sa’yo. Ikaw din naman kasi eh, pasaway ka rin minsan, isang buong linggo yun, until this week came, nakakalungkot na di man lang ako nakalaban dahil sa sore eyes ko (pag tinamaan ka nga naman ng pagsubok oh...) Isa ka sa mga pinalad, isa naman ako sa mga kailangang lumaban for survival (wow! jungle effect ng decision time...hahaha!!!) It takes a while before I realize na magkaiba na ang kapaligirang ginagalawan natin ngayon, nakakalungkot na part para sa akin, Pero Lumpia Party naman para sa’yo...congrats!!! (uy, sincere yan ha, alam ko naman kasi yung efforts mo eh..) di man inaasahan ang mga pangyayari, kailangang magpatuloy ang pakikipaglaban at pakikipagpalitan ng mukha sa magulong mundo. Tuloy ang awit ng buhay, may di man tayo pagkakaintindihan at kahit sinasabi na nila na “hayaan mo na siya, isipin mo na lang yung negative side niya” aminado ako, minsan naiisip ko yun, pero mas lamang ang positive side eh, me sa ewan ko... alam kong maaayos din yon sa tamang panahon, kung pahihintulutan ng pagkakataon at ni G. Thank you for shedding some light, so bright that in some time, it blinded me, but still, Thank You.

P.S: Ikaw nga pala ang isa sa mga tumupad ng isa sa mga wish ko, pero patuloy ko pa ring i-wi-wish yun hanggang sa dumating ang tamang panahon. :)


 #sulatingdipormalangpeg 

#lastnato

Random Thoughts of You



Patuloy ang ikot ng buhay. Pinipilit kong ibalik ang dating masayang ako, yung masayang ako bago ka dumating sa magulo pero masaya kong buhay. Although di na siya at same as before, at least unti-unti ko nang naibabalik ang sarili ko.

Akala ko di na ako makakatakas sa anino mo, Partida, noon talaga, nahirapan akong alamin ang mga paraan paano makakatakas sa'yo. Masaya kang kasama, kahit di tayo madalas nagkakausap o nagkakaimikan, "Silencio" kungbaga. Until that one lunch time, na di ko alam kung sinasadya mo ba yun o hindi, pero pinagtabuyan mo ako...kumbaga in English "BACK-OFF". Ilang beses mo na akong na "slap in your face" pero nung time na yun was the "Epic One" pakiramdam na nabuhusan ng malamig na tubig? Yes.

So para matapos na ang lahat ng kadramahan sa pagitan nating dalawa, I just pushed myself  to cut the slack. Ako na ang bahalang umeksena sa paglayo, ako na ang bahalang umeksena sa pagsuko sa'yo. Epic ka eh! Ano pa bang iba kong magagawa di ba? Kungsabagay, ako naman ang unang nagsimula ng dramang ito, might as well ako na ang kusang tumapos.



Pinilit kong abalahin ang sarili ko sa ibang bagay, sumali ng Maine admirers, Aldenatics, I love Aldub, nagpakahumaling kay Jeff Chan at sa Aldub at kung anu-ano pa. Binalik ko na rin ang pagiging fangirl ko...start na rin naman ng PBA at lalaban na naman uli ang favorite team ko na Rain or Shine, nandyan din ang madalas naming "galawang kainan ni Achie" kaya somewhat, okay na rin ako...sinasabi niya na baka meron nang nagbago sa nararamdaman mo, na pabor sa gusto ko, pero ayokong tanggapin na ganun, ayokong napipilitan ka lang kasi ako, di pilit yung nararamdaman ko...kung ano ako, yun yon. Di scripted. Di edited. Kaya yung sunud-sunod ang paglabas ng posts ko sa FB mo ng tungkol sa Aldub at Basketball, lalo na Rain or Shine, pagdamutan mo na ako, ikaw din naman ang dahilan ng lahat ng ito eh...kesa naman puro drama, baka iblock mo naman ako...(kahit ako talaga dapat in the first place ang dapat magblock sa'yo).


Pero sa kabila ng lahat ng iyon, may mga saglitang oras pa rin na sumasagi ka sa isip ko, minsan naluluha pa rin ako pero I put it on a positive note na kung bakit pinaglalayo tayo sa floor at kahit sa training this past few days ay para rin sa ikakabuti nating dalawa. I'm seeing a brighter and lighter future ahead for the two of us, walang halong echos o drowing yon. Sabi nga ni Lola Nidora, hindi araw-araw, kilig. Hindi araw-araw, pasko. Kailangan nating magkalayo upang mas lalo nating makita at makilala ang mga sarili natin. Kung mababalik tayo sa isa't-isa, e di masaya, kung hindi naman, baka may mas deserving pa para sa ating dalawa. Kung ngayon pa lang susuko na tayo habang magkalayo, eh wag na tayong umasa na may forever sa pagitan nating dalawa...magiging isang malaking drowing lang yun.



Pero sa kabila ng roller coaster ride ng kwento natin, I still have to say Thank You. Salamat kasi kahit papaano, nasandigan kita sa oras na nagnenegative state lahat ng bagay sa paligid ko, ikaw ang nagbibigay ng positive effect doon. Sa mga panahong super doubt ako sa sarili ko, ikaw ang nagpupush sa aking maniwala sa sarili ko...marami na akong naging kaibigan, pero isa ka sa iilan kong kaibigan na kusa talagang magsasabi sa akin na "Wag mong ida-down ang sarili mo." Yun ang nagustuhan ko sa'yo, yung character mo, di ka naman kagwapuhan tulad ng iba dyan, at kahit meron ka ring sariling flaws, I still able to like you.



Looking forward for a Brighter and Lighter future for the both of us, magkasama man tayo sa puntong yun o hindi...See you around! XOXO :)

Huwebes, Enero 8, 2015

#May Pinagdadaanan



Hay buhay!!! mas madalas kong sabihin ang linyang ito sa sarili ko. Eh kasi ba naman, isa akong dakilang pasaway...Oo, pasaway to the fact na ura-urada na lang ang desisyon ko, yung tipong di mo pa nga napapag-aralang mabuti yung mga points kung bakit nangyayari ito at mga dahilan eh may desisyon ka na agad. Kaya madalas, eto ang resulta, yung pakiramdam na di mo na mababawi pa sarili mo, yung di mo na maibabangon uli yung si Ikaw.

Sa mga ganitong eksena ng buhay ko, before, iiyak talaga ako...as in lahat iniiyak ko, ako lang mag-isa, bibihira lang din akong maglabas ng sama ng loob o kung ano ang nasa isip ko sa ibang tao, kahit nga sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko. I'm the person na kapag tinanong mo ng "kamusta ka na?" generated na yung sagot ko na "Okay lang naman ako o I'm fine, eto tao pa rin..." ang generic di ba? I'm trying to be okay but in fact, sa likod ng pagiging okay ko, nakatago ang isang malungkot na Kim, isang babaing di sigurado kung ano nga ba ang magiging future niya...

Prinsesa din ako ng "Buti pa sila ganito...nakakainggit naman...yada yada yada..." lalo na pag magbubukas ako ng Facebook, yung kulang na lang, mas gugustuhin mong lamunin ka ng lupa kasi mas maganda yung nangyayari sa buhay nila ngayon kaysa sa iyo...In short, Insecurities! ang dami kong insecurities na di ko malaman laman kung kailan mawawala sa sistema ko, siguro dahil nung younger years ko, madalas akong mahambalos ng nanay ko at rinig pa ng mga kapitbahay sa paligid ng bahay nyo...you don't believe it...puwes ako na magsasabi sa'yo...maniwala ka.

Life is a cycle of unending challenges, di nawawala ang mga pagsubok sa buhay mo, di mawawala ang mga epal na tao sa paligid mo. Kahit saan ka magpunta, lagi at lagi talagang may mag eepal sa paligid mo...simple lang naman kasi yan eh, kung may insecurity ka sa sarili mo, meron din sila, and minsan, may idadamay na ibang tao, masabi lang na may napatunayan sila...well...opinion ko lang naman yun. Araw-araw, ayaw mo man o sa gusto, haharapin at haharapin mo talaga sila, at siyempre, kailangan mong lumaban, kailangan mo maging matatag, matapang at kung kakailanganin, makipagpalitan ng mukha.

Sa lahat ng ka-epalan, drama at mga taong nagpabida sa buhay ko, natutunan ko na dapat makuntento ka sa kung ano ang meron ka, kahit simple lang ang sa'yo at sa kanila eh bongga, pakialam nila? they don't know what you're going through...Kung sila ang daming likes sa Facebook posts nila at sa'yo eh papiso-piso, minsan wala pa nga hayaan mo lang, at least, you have expressed kung ano ang nasa isip mo. I-like nila o hindi, bahala na sila. Natutunan ko rin na dumepende sa pamilya ko...yung nanay, tatay, at apat na kapatid kong lalaki, Minsan, may pagka-epal din sila pero pramis! sa oras ng kagipitan, di ka iiwanan ng mga yan...maniwala ka.

I'm trying to learn na maniwala na rin sa sarili ko. One time, a co-worker told me, "Bakit mo naman nasabi yan?" after ko sabihin na "Wala na akong ginawang tama sa buhay ko...lahat puro mali." Sabi nga niya sa akin, wag kang mag-isip ng ganun....nga naman? lahat naman tayo may pagkakamali eh, at lahat tayo may karapatang magbago o baguhin ang sistema ng buhay mo...for the good siyempre. Pag may taong nagsabi sa'yo na di ka na magbabago, sabihin mo sa akin, paabangan ko yan....JOKE! hahahaha!!!

And lastly, I chose na magfocus na ulit to praise Papa God, OO, boss mo in the heavens above, yung totoo mong tatay, bestfriend, compañero, ultimate kakampi lahat! Actually, na realize ko yun nung time na nabili ko yung libro ni Alex Gonzaga, kahit pakiramdam mo eh lowbatt ka na sa kanya, di ka pa rin niya pababayaan, every challenges na dumarating sa akin ngayon, pinapaubaya ko na sa kanya, kasi naman no, alam na niya mangyayari sa'yo, kung sino ang mga taong makikilala mo, at kahit si "The One..." di pa nga lang niya nirerelease lahat.

Everyone and anyone of us has a chance na makapagbago, depende na yan sa kung papaanong paraan mo siya gagawin, kung ano ang mga bagay na gagamitin mo, at diskarte ng atake mo. Ako sa ngayon, I feel na paunti-unti eh nababago ko ang outlook ko sa buhay...marami pang mangyayari, marami pang taong darating sa buhay ko at experiences na dapat maranasan...and lastly, marami pa akong dapat na matutunan about life and how to face it and succeed with flying colors.