Mga Pahina

Lunes, Nobyembre 9, 2015

Dear ____,




Heylo Sago!!! Kamusta ka na? Tagal ko nang walang balita sa'yo eh! We're both near yet so far ang drama nating dalawa...Ang labo natin parehas right? Kung tatanungin mo ako kung kamusta ako? Well, hanggang ngayon confused pa rin ako kung babae ba talaga hinahanap ko o yung mga guys na katulad mo...JOKE!!! I'm trying to do well, I'm trying to be okay and fine, kahit na madalas eh nararamdaman ko na nahihirapan na ako...na gusto ko nang sumuko, na gusto ko nang bumigay. Ikaw, nahihirapan ka na rin ba sa mga kumplikadong pangyayari sa paligid natin? Naisip mo na ba na sumuko? Naisip mo na ba na bumigay? Kungsabagay, sa tatlong buwan na nakilala kita, di ko pa nakikita sa itsura mo yun, ikaw pa nga yung "sunshine in the pouring rain eh." Di ka nawawalan ng positivity sa katawan mo. Naalala ko pa nga yung time na sinabi mo na may ability ka to remove the negativity from a person, honestly, medyo natawa ako dun, posible ba yun??? paano??? magagawa ko ba yun sa sarili ko??? ang dami kong tanong no??? Anyways, sa tingin ko naman, kaya mo...unless kung nagpopoker face ka lang...di ko alam.

Walang halong echos o biro, pero namiss ko yung magkasama tayo sa every "The Feast Session" whether sa Aliw theater man yan o sa SMX. (langya, miss agad? eh dalawang beses pa lang naman tayo nagkakasama...hoksvjhlkasjgal;kdsjga'lksdgjasghq!!!) wala lang, ikaw kasi yung nag-invite sa isa sa mga dati ko nang planong gawin dati pa, tapos di pa kita nakakasama...hahaha!!! Pero di bale, nasasanay na rin naman ako mag-isa...tinuturuan mo akong maging independent eh...in fairness, umeepektib naman ang proyekto (and take note, nadagdagan ka ng downline...networking lang ang peg...hahahaha!!!) nagfield trip na nga ako eh, from Sync session to 10:45 session to 1:00 pm session...see? nag-iimprove...masaya to...hahahahahaha!!! alam ko rin naman na pumupunta ka eh...solo flight kasi trip mo eh...me sa...ewan ko...hahaha!!! (baka skateboards ginagamit mo papunta at pabalik kaya di ka nagsasama...hahaha!!!) Kungsabagay, mas okay na rin siguro yun, kesa naman magkasama nga tayo, di naman tayo madalas mag-usap...useless??? pwede sa part mo...pero sa part ko...Surreal yun pare...SURREAL!!! (ayos din mga trip ko no? pero babala, wag kang overconfident...di lang dahil sa'yo yun...meron pang iba...pero akin na lang yun.)

Alam mo, may sasabihin pa sana ako, eto siguro yung factor kung bakit currently me gap tayong dalawa...(ang galing ko mag-assume no? ayan tayo eh!) bukod kasi sa nalaman mo na crush kita (sorry, naipit ako sa sitwasyon that time, hangga't maari, ayaw ko talagang ilantad ang bagay na yun...jqwf[owkfro[kwf[pwqf[pqew...sadya yan. wag kang mag-alala dude, naka move on na ako sa bagay na yan, subukan mo akong tanungin in the future nang tungkol sa bagay na yan at tatawanan ko na lang yan.) isa itong bagay na ito sa mga tingin kong rason kung bakit...pero siguro, itatago ko na lang muna sa sarili ko ang bagay na yun, sa tingin ko kasi, mukhang irrelevant naman din kasi...pero nagulat talaga ako nang malaman ko yun, at kung tatanungin mo ang reaksiyon ko, well, eh kung yun talaga, wala na tayong magagawa dun, kung sa akin nangyari yun, sampal sa mukha yun...well, buti na lang I've learned my lesson...and I've learned it the Hard way my friend.

Wag kang mag-alala, naniniwala pa rin ako sa Tamang Panahon, In God's perfect timing...di ba nga sabi ko sa'yo, i've learned my lessons the hard way...tsaka alam mo naman yung naging kwento ko nung 21 ako...(at nagulat talaga ako sa sarili ko paanong o kung ano ang nakain ko bakit ko na share yun.) Tsaka isinuko ko na ang bagay ng Tamang Panahon kay Papa God, alam ko namang pati rin ikaw eh...hahaha! Naisip ko lang, paano kaya kung mutual talaga yung nararamdaman natin sa isa't-isa no? Takot lang tayo sa rejection kaya di natin maamin? (assumera ko talaga no? ASA NAMAN ako sa part na yun...baka nga ako lang ang may feelings at ikaw wala...hahahahahahahaha!!! anyways, pagdamutan mo na, libre lang naman ang mangarap...mangarap daw o! hahaha!!!) Siguro, magiging malaking riot yun kung saka-sakali...(tandaan: kung saka-sakali lang naman...wag ka ring assuming...hahaha!!!) Anyways, basta bahala na si Papa God dun...hehe

Sa ngayon, magpatuloy muna tayo sa pakikipagsapalaran at pakikipagpalitan ng mukha sa mundong ginagalawan natin, kung saan man mapunta o anuman ang maging resulta ng mga pinagagagawa natin, sigurado naman akong makakapag-iwan sa atin yun ng lessons in life...ganun talaga eh! Alagaan mo sarili mo, (and alam kong ginagawa mo naman yun) Always pray (sigurado naman akong ginagawa mo yun) and Always Smile (alam ko rin na nagagawa mo yun). See you around!!! XOXO :)

Martes, Nobyembre 3, 2015

Unsure Possibilities


Monday: 

Masyado yata akong naging overthinker to the point na lahat ng tickets ko for this day eh sablay. Thinking about unsure possibilities though, dumating na naman ako sa point na napanghinaan ako ng loob, good thing Achie Rose was there to uplift ang nanghihina kong loob. She told me about her goals ngayong nasa Back of House team na siya over a bowl of seafood noodles at a Thai restaurant named "Soi" at MOA. Her reasons are acceptable and valid though, naiinggit nga ako because ang lakas ng fighting spirit niya...wish that I have that same kind of fighting spirit...and because of that, mas lalo lumakas ang pundasyon ng pangarap kong mag masteral next year, kasabay ng pagtatangkang suuingin ang mundo ng akademiya, probably next year too. I have the chance also na makadalaw uli sa Quiapo church, masasabi kong isa siya sa mga naging sandigan ko during this though and challenging times that I had, and like a little kid, umiyak na naman ako...kasabay ng paghingi ng guidance to help me in this unsure journey na tinatahak ko.

Oh, and One last thing (see, nahawa na ako sa one more or one last thing ni  M.C) Iyakin talaga akong bata...hahahaha!!!

Tuesday:

Let's do the UP Ikot. nilibot ng new team ang buong prod area. di ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis ako o sisigaw ako na "Tama na yan! Tigilan na natin ang mga kalokohan na ito." nag calls ang buong sambayanan na nagsagawa ng UP ikot drama, ayun! lagapak! di malaman kung saan pupunta...di alam kung sino ang dapat na pagtanungan...spell bad day! anyways, kailangan eh, sinuong mo ang kalakarang ito, kailangan mong maging matapang at maging makapal ang mukha...(oh! and magmukhang me alam pala kahit honestly...WALA!!!!)

Wednesday:

Honestly...Di na ako natutuwa. Kanino ba ako dapat mag-open up? pinipilit ko namang maging positive at maging determinado, pero wala eh, plakdado pa rin...I'm still having the goals that I want to achieve, at di magbabago yun...however, mukhang kailangan ko nang maghanap ng ibang ways on how to achieve it, sa totoo lang kasi, kumplikado na ang mga ganap eh...ang hirap...pero kinakaya....ah basta, I think I need to find other ways...BDO lang ang peg???

Thursday: 

Wag mo akong pakitaan ng Yabang mo attitude. I need a resolution...Hindi yabang! Ako, magalang akong makipag-usap sa tao..hangga't maari, maayos ang pakikitungo ko sa kanila, naniniwala kasi ako na kung ano ang ugaling ipinakita mo sa iba, ay siya ring ugaling ibabalik sa'yo. Kung mabait at maayos ang pakikitungo mo, yun rin ang babalik sa'yo...kung balasubas ka kung makitungo sa iba, mag expect ka na yun rin ang ibabalik sa'yo. Sa lahat ng bagay, kailangan lagi kang humble. yun kasi ang importante. PINAKAIMPORTANTENG ugali na meron ang isang tao. Magaling ka nga, marami ka ngang alam, pero kung ang ugali mo ang problema...then I think you need to do a reflection dude...baka kasi nakakasakit ka na ng iba, di mo pa nalalaman...kung natamaan ka...Sorry...just having a realtalk here...

Friday:

Last day ng first week ng grupong tatawagin kong UP ikot...kung bakit, akin na lang yun...hahaha! Nawala daw ang profile ko sa Siebel...kaya ang ending...hindi nakapag-ticket si ateng the whole day...ayos! at dahil walang ATO dahil di puwede, ayun, stay ako sa floor...well, naging busy naman ako sa paglilinis ng mailbox ko, tiningan ng pagkailang ulit ang Gem para sa NPS...naging Malasakit Katrabaho Foundation para sa iilang katrabaho na nangangailangan ng tulong...at...at...at..nagpakain ng fish food sa ostrich! (JOKE!!!) 

This week has been a challenging week, at alam ko na mararanasan ko ang ganitong mga challenges sa mga susunod na araw...kung saan man ako dadalhin ng bagong karanasan na ito, I know na gagabayan ako ng God doon...I know na di naman niya ako pababayaan...Aja fight na lang! Nandyan ka na eh, try to do your best na lang lagi... (kahit minsan me mga epal talaga sa paligid...well...that's part of life...ciao!!!

Last note: Birthday pala ng kapatid ko this November 6...Happy Birthday Bunso!!! XD